|
"Part of the reason scientists stay in the comfort zone is that they can always say: well we dont know enough." ~ David Carlson
Today's Horoscope - AQUARIUS:
"It's time to let go of those things that you think you need to retain. How can your highest good come to pass if you're relentlessly clutching to old beliefs and ways of life that just don't suit you anymore."
Minsan na akong sapilitang na-psychoanalyze ni Bru base sa kinakain ko. Nung naka AM shift kasi ako, wala akong ibang kinakain sa buong shift kundi dalawang pirasong brownies. Sabi ng dalubhasang si Bru, ako daw yung tipo ng tao na takot umalis sa comfort zone ko. Ayon kay Bru, dahil masarap naman yung brownies at ok na ko kahit ito lang ang kinakain, hindi na ko magbabaon o bumili ng ibang pagkain. HIndi ako nagsasawa kasi naka-set na sa utak ko na ok na ko sa brownies araw-araw. In other words, ako daw yung tipong dahil feeling ko ay ok naman ako sa kasalukuyang sitwasyon ko e, hindi ko na naiisip na sumubok ng iba. Naisip ko na maliban sa nagda-diet din talaga naman ako nung panahon na yon, eh tama rin siguro si Bru. Nung bago pa lang ako sa kompanyang pinapasukan ko, sabi ko magpaparegular lang ako para naman magandang tignan sa resume kahit papano. Nung umabot ako ng isang taon, sabi ko dalawang taon lang ang pinakamatagal na ilalagi ko dito. Ngayon, mahigit tatlong taon na akong nagtatrabaho sa kumpanyang ito. Habang ang lahat ay busy sa paghahanap ng greener pastures, busy ako sa paghahanap sa mga kaibigan sa Friendster, Habang gumawawa ng IJAF (Internal Job Application Form) ang mga kasama ko, gumagawa naman ako ng blog. Nung una akong tinanong ng supervisor ko kung ano ba ang plano ko sa career ko, ngiti lang ang naisagot ko. Sa pangalawang beses, sabi ko pinag-iisipan ko rin namang mag-apply. Nung nagkaroon ng bakanteng posisyon sa trabahong pinapangarap ko sa industriya ng mga "Thank you for calling" people, natuwa ako, pero nagdalawang isip pa rin. Todo suporta naman ang supervisor ko kaya medyo nahiya na rin ako at nag-submit ng application. Pero nabigo ako, at nabigo ko siya...at yun ang mas kinalungkot ko. At ang isa sa mga ayoko, ay yung madisappoint ko ang mga taong naniniwala sakin. Nung nagkaroon ulet ng opening, sumubok akong muli. At nabigo ring muli. Mabuti na lamang at nakuha si Sunoy kaya ok na rin sakin. Na-realize ko rin na, marami na akong mga kaibigan at kakilala na isa-isa nang bumubuo ng pamilya, o kaya ay nakapag-abroad, o kaya ay kumikita ng malaki at tuloy-tuloy ang promotion. Narinig ko dati si Bb. Jose, sabi nya "Yes, but are they happy?" Hahaha. Bitter Ocampo na naman ako. Hindi ko alam kung kelan ako makaka-alis sa comfort zone ko, o kung makakaalis pa ba ko. May plano ba ko sa buhay ko? Syempre meron. Kung ang bahay nga may plano, ako pa kaya? Darating rin ang moment ko. |
| van September 16, 2006 01:09 PM PDT may plano ang diyos para sayo..darating din ang moment of glory mo! mag antay ka lang! hehehe! ;-) | ||
| Leave a Comment: |